^

Metro

P33-milyong puslit na bigas at bawang, nasamsam

-

MANILA, Philippines - Nasabat kahapon ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang P38 milyon halaga ng smuggled na bigas at bawang sa Manila International Container Port Authority (MICP).

Nabatid na nakalagay sa 22 na 20-footer con­tainers van ang glutinous rice na nagkakahalaga ng P33.5 milyon, samanta­lang ang bawang na tina­ ta­yang P4.5 milyon ay naka­lagay sa apat na 40-footer van na naka- pa­nga­lan sa Kaye Inter­national Trading.

Nagbabala naman si -Customs Intelligence and Investigation (CIIS) di­rector Filomeno Vicencio Jr. na kapag natapos ang 30-araw at hindi naghain ng import entries para sa mga kargamento ang consignee ay awtoma­tikong kukumpiska­hin ang mga ito ng gobyerno.

Sinabi pa nito na pra­yoridad sa watchlist ng BOC-anti smuggling ope­ra­tives ang mga agricul­tu­ral commodities na siyang nagiging dahilan upang malugi ng milyon piso ang mga local na farmers sa bansa.

Kaagad naman i-o-auction ang mga nakum­pis­kang kargamento upang hindi ito masira at mapunta ang kita sa kaban ng pamahalaan.

Nilinaw din ng BOC na ang mga accredited rice traders lamang ng Na­tional Food Authority (NFA) ang siyang maaring makilahok sa auction. (Gemma Amargo-Garcia)

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS INTELLIGENCE AND INVESTIGATION

FILOMENO VICENCIO JR.

FOOD AUTHORITY

GEMMA AMARGO-GARCIA

KAAGAD

KAYE INTER

MANILA INTERNATIONAL CONTAINER PORT AUTHORITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with