^

Metro

Vendor, mekaniko todas sa riding-in-tandem

-

MANILA, Philippines – Dalawa katao ang nasawi matapos na atakehin ng kilabot na riding in tandem sa magka­hiwalay na pag-atake sa lung­sod ng Quezon, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa pulisya, unang na­sawi ang biktimang si Ro­lando Reyes, 37, vendor. Siya ay pi­nag­babaril ng nasabing grupo pasado alas-6:40 ng gabi habang naglalakad sa tapat ng Sto. Niño Church, Republic Ave., sa naturang lungsod.

Nagawa pang itakbo si Reyes sa may FEU Hospital subalit hindi na rin ito umabot pang buhay. Ilang oras ang lumipas muling napa-ulat ang pamamaril ng riding in tandem sa biktimang si Nathan Diapolat, mekaniko, 34 ng Brgy. Com­monwealth habang ang huli ay nakaupo sa kanyang motorsiklo ganap na alas- 8 ng gabi.

Dead-on-the-spot sa pi­nangyarihan ng insidente si Diapolat, habang mabilis na tumakas ang naturang mga suspek.

Lumilitaw sa pagsisiyasat ng awtoridad na makahalintulad ang estilo ng pagpatay ng mga suspek. (Ricky Tulipat)


vuukle comment

AYON

BRGY

DALAWA

DIAPOLAT

ILANG

NATHAN DIAPOLAT

REPUBLIC AVE

REYES

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with