Waste segregation sa QueÂzon City sisimulan
MANILA, Philippines - Ipatutupad na rin ng Quezon City Division of City Schools ang waste segregation system na unang nailagay sa Quezon City Hall grounds.
Sinabi ni Schools division Superintendent Dr. Victoria Fuentes na ang QC environmental protection and waste management department ay nakipag-ugnayan na sa kanila para matulungan ang schools division na mailagay sa wasto ang mga basura sa mga paaran sa lunsod. Sinabi ni EPWMD head Ms. Frederika Rentoy na pumayag ang city schools na itulad sa mga paaralan ang ganitong proyekto para na rin sa kapakanan at proteksiyon sa mga mag-aaral at kapaligiran. Ang naturang proyekto ng QC Hall ay bahagi ng pagtupad sa Executive Order 774 ng Pangulong Arroyo na maibsan ang problema sa basura sa pamamagitan ng waste segregation.
Una rito, iniulat ni Rentoy kay Quezon City Mayor Feliciano “SB” Belmonte Jr. na ang compliance rate ng QC hall sa waste reduction ay umabot na sa 14 percent at 38 percent sa buong lunsod. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending