Ika-4 na palaruan binuksan sa Maynila
MANILA, Philippines - Binuksan na kahapon sa publiko ang ikaapat na palaruan na itinayo ni Manila Mayor Alfredo Lim na matatagpuan sa Quirino Avenue, Malate, Maynila.
Sa pagpapasinaya kahapon sa Plaza Azul, kasama ng alkalde sina City Engineer Armando Andres, Parks and Public Recreations Bureau Chief Engineer Deogracias Manimbo, Iglesia ni Cristo Head Deacon Rodolfo Orosco, Rev. Fr. Alexander Thomas at hepe ng Barangay Bureau na si Atty. Annalyn Buan.
Inaasahang mapapakinabangan ng mahihirap na kabataan ng Pandacan ang palaruan na may anim na slides o padulasan, apat na swing, dalawang seesaw at maze.
Mayroon ding shade areas para sa mga matatanda na nais mag-relax sa parke.
Plano rin ni Lim na lagyan ito ng Gateball, isang golf-like game para sa mga senior citizen.
Una nang itinayo ang ibang playground sa Baseco, Plaza Morga at Vitas sa Tondo nang manungkulan muli si Lim noong 2007. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending