200 spy camera ikakalat sa Metro Manila vs terorista
MANILA, Philippines - Inanunsiyo ni Interior Secretary Ronnie Puno na maglalagay ng mahigit sa 200 close-circuit television cameras sa mga istratehikong lugar sa Metro Manila tulad ng shopping malls, sinehan at terminals bilang bahagi ng pagpapatindi ng kampanya ng pamahalaan upang mapangalagaan ang publiko mula sa mga teroristang gawain ng mga elementong kriminal tulad ng Abu Sayaff.
Sinabi ni Puno na maglalagay din ang Philippine National Police ng mga dagdag na checkpoints, canine sniffers at palalakasin ang kanilang pangangalap ng mga intelligence activities upang maiwasan ang mga insidente ng pambobomba.
Ayon kay Puno, ang matataas na opisyales ng PNP ay makikipag-usap sa mga security officers ng mga hotel, mall at iba pang commercial establishments upang palagiang mag-ugnayan at tuloy mapangalagaan ang kapakanan ng publiko. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending