Hapones binoga

MANILA, Philippines - Isang Hapones ang na­tagpuang wala nang buhay matapos itong ba­rilin sa ulo ng hindi pa naki­kilalang suspek kahapon ng ma­daling-araw sa lung­sod ng Navotas.

Kinilala ang biktimang si Ohga Katsuki, 45, hindi pa tiyak ang tirahan.

Blanko pa rin ang pu­lisya kung sino ang respon­sable sa kamatayan ng da­yuhan. Unang natag­puan ang ka­ tawan ng biktima na naka­lugmok sa panulukan ng Santillan at M. Naval Sts., Brgy. San Jose sa na­turang lunsod. (Lordeth Bonilla)

Show comments