^

Metro

Marikina at Montalban river umapaw

-

MANILA, Philippines - Umaabot sa 100 pamilya ang inilikas ng Mari­kina Rescue 161 makaraang umapaw ang tubig sa Marikina River habang may 400 pang pamilya ang inilikas rin sa bayan ng San Mateo at Rodriguez sa Rizal upang makaiwas sa flashflood sa Montalban river kahapon ng umaga.

Sa pahayag ni Jomer Evangelista, ng Marikina Rescue 161, napilitan silang ilikas na ang mga pamilya na naninirahan sa gilid ng Marikina River sa Brgy. Malanday nang umak­yat na sa 16.7 metro ang level ng tubig dito dahil sa walang humpay na lakas ng pag-ulan.

Isang bata naman na nakilalang si Arnold Julian, 9-anyos, ang iniulat na nawawala maka­ra­ang mahulog sa manhole sa Brgy. Silangan, San Mateo, Rizal. Isang search and rescue ope­ra­tion na ang isinasagawa upang ma­rekober ang biktima.

Sa ulat na ipinarating naman ng Rizal In­for­mation Office, umaabot sa 200 pamilya ang inilikas sa mga ligtas na lugar sa Brgy. Sta. Ana, Ampid at Silangan sa San Mateo habang may 200 pamilya rin ang inilikas sa Brgy. San Jose, Rosario, San Rafel at San Jose dahil sa pag-apaw ng Montalban River.

Patuloy naman ang isinasagawang mo­nitor­ing ng Marikina City Government sa pa­tuloy na pagtaas ng antas ng tubig sa Marikina River kung saan inaasahan na marami pang pamilya ang maaaring maapektuhan. 

Binabantayan naman ng Rizal Provincial Govern­ment ang posibilidad ng mga landslides sa mga matataas na lugar at flashfloods sa maba­­ babang lugar sa ilang bayan sa lalawigan. (Danilo Garcia)

ARNOLD JULIAN

BRGY

DANILO GARCIA

ISANG

JOMER EVANGELISTA

MARIKINA CITY GOVERNMENT

MARIKINA RIVER

SAN JOSE

SAN MATEO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with