^

Metro

Mga kontra sa parking fee sa Quezon City, hinamon ni Bistek

-

MANILA, Philippines - Hinamon ni Quezon City Vice Mayor Herbert “Bistek” Bau­tista ang sinumang indi­bidwal na kontra sa ordinan­sang magpapataw ng parking fee sa mga kalye at iba pang espesyal na lugar sa lungsod na lumahok sa itinakdang deli­berasyon ng konseho hing­gil dito sa Hulyo 24.

Ayon kay Bautista, inihain ang naturang ordinansa sa konseho upang bigyan ng solusyon ang mga sagabal at naghambalang na mga sa­sakyan sa mga kalye at bang­keta ng siyudad na kadalasan ay nagdudulot ng kapaha­makan sa motorista at sa taum­bayan at ugat pa ng pagsisikip ng daloy ng trapiko

Sinabi ni Bautista na han­dang makinig ang Konseho sa opinyon at palagay ng mga residente pabor man o hindi sa nasabing ordinansa kung kaya nararapat lamang na dumalo ang lahat ng may interes sa isasagawang deliberasyon hing­gil dito.

“Nais kong linawin na isang panukala pa lamang ito. Malayo pa ito na maging isang ordi­nansa. Magsisimula ang aming deliberasyon sa Hulyo 24. Ito po ay bukas sa publiko para ma­timbang natin ang lahat ng panig. Makikinig ang Konseho sa mga residente,” sabi ni Bautista.

Idinagdag pa ni Bautista na kung ang mga bangketa ay may nakaparadang sasakyan, malalagay ang   mga pedestrian sa delikadong sitwasyon na ma­pipilitang maglakad sa kalsada na kung tutuusin ay daanan lamang ng sasakyan.

Sinabi pa ni Bautista na posibleng makapagbigay ng libong trabaho ang naturang ordinansa sakaling makapasa ito sa Konseho dahil maaring maging attendant o kolektor ang kahit na sino kabilang na ang kababaihan, senior citizens at out of school youths. (Angie dela Cruz)

ANGIE

AYON

BAUTISTA

HULYO

KONSEHO

QUEZON CITY VICE MAYOR HERBERT

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with