MANILA, Philippines - Isang bangkay ng 17-anyos na binata na puno ng tadtad ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang natagpuan, kahapon ng umaga sa karagatan ng Las Piñas City.
Kinilala ang biktima sa pangalang Jason ng Bulungan Fish Port, Parañaque City.
Batay sa ulat ng Las Piñas City Police, dakong alas-7 ng umaga nang matagpuan ng ilang mga residente ang bangkay ng biktima na lulutang-lutang sa coastal line ng Fishermen’s Village, Pulang Lupa 1, Las Piñas City.
Agad namang ipinagbigay-alam ng mga residente ang pagkaka-tagpo sa biktima kung saan nang suriin ng mga awtoridad, nadiskubreng tadtad ito ng saksak sa katawan.
Malaki naman ang hinala ng pulisya na sa ibang lugar pinatay ang biktima at saka itinapon sa dagat hanggang sa matagpuan Las Piñas City.
Isang masusing imbestigasyon naman ang kasalukuyang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Rose Tesoro)