^

Metro

Ayon sa resulta ng DNA test, bata sa maleta, si Dindin nga

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ng Na­tional Bureau of Investigation (NBI) na tapos na ang dalawang taong espekulasyon sa Geral­dine Palma case, ang bata sa maleta na natagpuang lumulu­tang sa Manila Bay, North Harbor Tondo, noong Agosto16, 2007,  matapos maglabas ng re­­sulta ng DNA ang Interpol na nakabase sa Bosnia.

Ayon kay Deputy Director for Technical Services Atty. Rey­naldo Esmeralda, positibong si Geraldine “Dindin” Palma, 7, es­tudyante ng St. Paul College, ang bangkay base sa resulta ng DNA test na isinagawa ng Inter­national Commission of Missing Persons (ICMP), subalit nabun­yag na rin na hindi nito kadugo o ama si Gerald na nagpalaki sa kanya, sa kabila ng sinasa­bing anak ito ni Gerald sa ka­tulong nilang si Felma Estravela.

 “The DNA test confirmed that it was Geraldine and that her mother is Felma Estravela but the father is not Gerald,” ayon kay Esmeralda.

Kabilang sa sinuri ng ICMP ang sample tissues na kinuha sa embalsamadong bangkay ang bahagi ng ‘femur’, liver, right thigh muscle, na sinuri sa Saravejo, Bosnia na inihanda naman ng University of the Philippines-Natural Science and Research Institute-DNA labo­ratory sa Quezon City.

Ikinumpara naman ito sa samples ng swabs at blood stained sa FTAS paper na ki­nuha kina Gerald  Chou Palma, 56, ng   Pasig City (ang ama) at Felma Estravela, 27, ng Cainta, Rizal (ina).

Consistent umano sa profile ni Estravela ang DNA profile ng bata na may 99.99% pro­bability.

Dahil dito, maghahain ng amended information ang NBI sa Manila Regional Trial Court (RTC) para palitan ang na­unang inihaing kidnapping with rape at gawin na lamang kid­napping with homicide dahil walang nakitang laceration sa ari ng bata.

“The case filed was kidnap­ping with rape but now that the body was confirmed belonged to Geraldine, we will ask for amendment of information to kidnapping with homicide. Geraldine was not raped  as there was no lacerations in her private part and this was a case of bungled kidnapping for ransom,”ani Esmeralda.

Sinabi ni Special Investi­gator III Darwin Francisco na may inisyung search warrant laban kay  Maritess Ontog, ang yaya ng bata na naghingi umano ng P10-milyon at nauwi la­mang sa tawaran na P240,000 kaya pinatay ang bata.

Matatandaang nauwi sa pagdududa ang pagkilanlan ng biktima nang lumabas sa school records na mas mababa ito sa height kumpara sa nakuhang bata sa maleta.

Ipina-exhume ang bang­kay noong Setyembre 24, 2007 sa Manila Memorial Park, Para­ñaque City para sa DNA testing at dahil sa nabulok na ang tissues, humingi ng tulong ang NBI sa ICMP.

Kabilang sa mga aresta­dong suspek sina  Gerry Igos, na nadakip sa Bulacan pro­vince, isang  Renato C. Bohol, alyas Rick-Rick, 41, ng Isla Puting Bato na sumuko kay Major Nelson de la Cruz ng Civil Military Operations Battalion, kasama ang ama ni Bohol na si Serafin Bohol, ng Purok 4, Lupang Pangako, Payatas, Quezon City.

Kapwa itinanggi nina Bohol at Igos ang bintang na may kinalaman sila sa pag­ dukot at pagpatay o rape sa biktima, nang imbestigahan ng Manila police District-Homi­cide Section.

Nabatid na bihasa na ang ICMP sa pagtukoy sa marami­hang  bangkay at mga nawa­walang biktima ng kalamidad, kabilang ang naganap sa 2004 Tsunami sa Thaliland at tumu­tulong din sa pagkilala sa  mga bangkay ng lumubog na MV Princess of the Stars. Itinatag ito noong 1996 na nakabase sa Sarajevo, Bosnia Herzegovina.

BOHOL

BOSNIA

BOSNIA HERZEGOVINA

BUREAU OF INVESTIGATION

CHOU PALMA

FELMA ESTRAVELA

GERALDINE

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with