^

Metro

Kemikal sa butt implant sa trader na nagreklamo sa Belo Clinic, susuriin ng NBI

-

MANILA, Philippines – Isinailalim ng National Bu­reau of Investigation (NBI) sa sarili nilang chemical analysis ang hydrogel na ipinasok sa katawan ng isang 40-anyos na negosyante upang matukoy kung ito ang naging sanhi ng pagkabingit sa kamatayan nito bunga ng mga komplikasyon.

Kasalukuyan pa ring naka­ratay sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City ang pas­yenteng si Josefina Norcio, na dumaranas ngayon ng matin­ding karamdaman na dulot umano ng hydrogel butt implant na isinagawa ng Belo Clinic. Siya ay patuloy na sumasailalim sa serye ng operasyon upang matanggal sa katawan ang kumalat na hydrogel na naka-impeksiyon sa kanya.

Ayon kay Head Agent Ross Bautista, executive officer ng Of­fice of Deputy Director for Intel­ligence Services (DDIS), nag-usap na sila ng dating dok­tor  ng Belo Medical Group (BMG) na nagsagawa ng elec­tive sur­gery sa implant kay Norcio.

Nabatid na si Dr.  Francis De­cangchon  ang nasabing doktor ni Norcio ay nakatak­dang lumutang sa NBI para magbigay linaw sa akusasyon laban sa kaniya.

Nagsasagawa na umano ng chemical analysis ang NBI Chemistry Division sa inalis na samples ng hydrogel sa puwet ng negosyante. 

Sisentro ang NBI sa pag­tukoy kung may  criminal liabi­li­ties ang mga doctor at ang BMG, maging si Dr. Vicki Belo na siya mismo umanong nag-assess sa medical condition ni Norcio bago siya ipinasa sa mga doctor nito upang isailalim sa butt implant noong 2005. (Ludy Bermudo)


BELO CLINIC

BELO MEDICAL GROUP

CHEMISTRY DIVISION

DEPUTY DIRECTOR

DR. VICKI BELO

FRANCIS DE

HEAD AGENT ROSS BAUTISTA

JOSEFINA NORCIO

NORCIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with