^

Metro

Tigil-pasada bigo sa Metro Manila

-

MANILA, Philippines – Hindi naging matagumpay ang isinagawang tigil-pasada ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nation­wide at kaalyado nito kahapon sa Metro Manila.

Sa Quezon City, wala man lamang nakitang stranded na mga pasahero dahil halos nor­mal lamang ang daloy ng mga sasakyan partikular sa Cubao area, Commonwealth at Que­zon Avenue at maging sa mga karatig lugar tulad ng San Juan, Mandaluyong, Pasig, Cama­nava area at Pasig area. Nag­ karoon pa nga nang pag­sisikip ng trapiko sa nabang­git na mga lugar dahil sa dami ng mga sa­sakyan na pumasada sa ka­sagsagan ang buhos ng ulan.

Kaugnay nito, sa Makati area, sumabay din ang Makati Jeepney Operators Association (MJODA) at Liga ng Trans­por­tasyon at Operators sa Pili­pinas (LTOP) sa tigil-pasada hindi dahil sumusuporta sa Piston kundi sila ay nagsagawa ng sariling pro­ testa para konde­nahin ang dobleng ha­laga ng bayarin sa huli ng mga driver na lumabag sa batas trapiko.

Kaugnay nito, isinigaw na­man ni Piston Secretary Gene­ral George San Mateo na ang gobyerno umano ang nasa likod ng pamamaril sa isang lider ng Piston sa Bicol habang nagsa­sagawa ng transport strike sa lalawigan kahapon. 

Nagsagawa ng tigil-pasada ang Piston kahapon nationwide upang kondenahin ang patuloy na pagtaas ng halaga ng pro­duktong petrolyo tulad ng ga­soline at diesel, ang mataas na halaga ng bayarin sa mga huli ng mga driver sa LTO at local govt. units at pagbasura sa oil deregulation law.

Habang ka­sag­sagan ang transport strike, nagsipagbaba ng halaga ng ga­soline at krudo ang ilang kompanya ng langis. Na­nguna ang Unioil sa pag­baba ng P4.50 kada litro ng gaso­lina at diesel at sinasabing marami pang kum­panya ng langis ang su­sunod dito. (Angie dela Cruz)

GEORGE SAN MATEO

KAUGNAY

MAKATI JEEPNEY OPERATORS ASSOCIATION

METRO MANILA

OPERATORS NATION

PASIG

PINAGKAISANG SAMAHAN

PISTON SECRETARY GENE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with