^

Metro

Banko sa Valenzuela pinasabugan

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines – Pinasabugan ng dalawang hindi nakikilalang lalaki lulan ng motorsiklo ang isang banko kahapon ng umaga sa Valenzuela City.

Basag-basag ang mga salamin sa ATM machine ng Union Bank, na matatagpuan sa kahabaan ng MacArthur Highway, Brgy. Marulas ng nabanggit na lungsod.

Lumalabas sa inisyal na report ng Valenzuela City Po­lice, dakong alas-5:25 ng umaga nang hagisan ng hini­hinalang pillbox ang nasabing banko. Nabatid na nakasakay umano ng motorsiklo ang da­lawang suspek na mabilis na nagsitakas.

Masusing iniimbestigahan pa ng pulisya ang nabanggit na insidente.

Matatandaan, na noong nakalipas na Sabado ng gabi, magkasunod na hinagisan ng mga hindi pa rin nakikilalang suspek ang sangay ng Allied Bank sa MacArthur Highway ng nabanggit na lungsod, gayundin ang Allied Bank sa panulukan ng Bustamante St. at Rizal Avenue Ext., Caloo­can City kung saan nabasag din ang mga salamin nito.

Nagsasagawa na ng fol­low-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing in­si­dente, inaalam din ng pulisya kung iisang grupo ang guma­gawa nito at kung ano ang motibo.


vuukle comment

ALLIED BANK

BASAG

BRGY

BUSTAMANTE ST.

CALOO

RIZAL AVENUE EXT

SHY

UNION BANK

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY PO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with