2 sangay ng banko pinasabugan

MANILA, Philippines - Iniimbestigahan habang isinusulat ito ng Northern­ Police District Office ang dalawang magkakahiwalay na pagsabog na naganap sa mga sangay ng Allied Bank sa Caloocan City at Valenzuela City.

Sinasabi sa sketchy report na nakalap mula sa tanggapan ng NPD Tactical Operation Center na isang pagsabog ang naganap sa isang sangay ng Allied Bank malapit sa Grand Central Mall, panulukan ng Bustamante St. at Rizal Avenue Extension sa Caloocan City dakong alas-11:00 kamakalawa ng gabi.

Isa ding pagsabog ang naganap sa isang sangay pa rin ng naturang banko sa McArthur Highway, Ba­rangay Marulas, Valenzuela City.

Habang sinusulat ang balitang ito, ayon sa tanggapan ng NPD TOC, hinihintay pa nila ang kumpletong report hinggil sa insidente mula sa pulisya ng dalawang lunsod. (Lordeth Bonilla)

Show comments