^

Metro

Madalas kasing gamitin sa pagsu-suicide, silver cleaner hiling ipagbawal

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Umapela kahapon sa pamahalaan ang isang ma­­taas na opisyal ng Ca­tholic Bishops’ Con­fe­rence of the Philippines (CBCP) na magpatupad ng total ban laban sa pag­gamit ng nakalalasong silver cleaner o kemikal na ginagamit na panlinis ng silver jewelry.

Nabatid na umapela sa Department of Envi­ron­ment and Natural Re­sources (DENR) si Calo­ocan Bishop Deogracias Iniguez na ipagbawal na ang paggamit ng “cya­nide-laced silver jewelry clean­ing agents” ka­sunod ng mga ulat na “paborito” na ito ngayong inumin ng mga taong nais na wakasan ang sariling buhay bunsod nang di makayanang prob­lema.

Ayon kay Iniguez, na siya ring chairman ng Episcopal Commission on Public Affairs (ECPA) ng CBCP, mariing kinu­kon­dena ng Simbahang Kato­liko ang anumang uri ng pag­papakamatay dahil ito’y labag sa katu­ruan ng simbahan.

Nakikiisa rin aniya siya sa panawagan ng Eco­Waste Coalition la­ban sa paggamit ng silver jewelry cleaners.

Batay sa rekord ng pulisya, kalimitan na silver cleaner ang iniinom nga­yon ng mga taong nais na magpakamatay dala ng ma­bigat ng prob­lema sa buhay habang ang iba naman ay nagbi­bigti, at nagbabaril sa sarili.

May ilan din umanong kasong naitatala na na­matay matapos na aksi­den­teng makainom ng silver cleaner, at karami­han sa mga ito ay mga paslit. Ma­liban sa panga­nib sa tao, mapanganib din umano sa aquatice life ang cyanide.


 

AYON

BATAY

BISHOP DEOGRACIAS INIGUEZ

DEPARTMENT OF ENVI

EPISCOPAL COMMISSION

NATURAL RE

PUBLIC AFFAIRS

SHY

SIMBAHANG KATO

WASTE COALITION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with