1 pang biktima ng salvage natagpuan

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng hindi nakikilalang lalaki na pinaniniwalaang bik­tima ng salvage ang natagpuan sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.

Nasa edad 40-45 ang biktima, may taas na 5’2’’, naka-pambasketball na short, asul na t-shirt at may tattoo na Mark sa katawan.

Ayon sa report ng pulisya, dakong alas-2 ng madaling araw nang makita ang bangkay ng biktima ng mga tanod sa Brixton Village, Camarin ng lungsod na ito.

Luma­labas na may dalawang saksak sa dibdib ang biktima at posibleng itinapon lamang ito sa nasabing lugar matapos patayin. (Lordeth Bonilla)

Show comments