1 pang biktima ng salvage natagpuan
MANILA, Philippines - Isang bangkay ng hindi nakikilalang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuan sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.
Nasa edad 40-45 ang biktima, may taas na 5’2’’, naka-pambasketball na short, asul na t-shirt at may tattoo na Mark sa katawan.
Ayon sa report ng pulisya, dakong alas-2 ng madaling araw nang makita ang bangkay ng biktima ng mga tanod sa Brixton Village, Camarin ng lungsod na ito.
Lumalabas na may dalawang saksak sa dibdib ang biktima at posibleng itinapon lamang ito sa nasabing lugar matapos patayin. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending