^

Metro

1 pang 'Baklas Side Mirror Gang', timbog

-

MANILA, Philippines - Isa na namang miyembro ng “Baklas side mirror gang” ang nasakote ng mga operatiba ilang minuto matapos na bikti­mahin ang isang mamahaling sasakyan na pag-aari ng isang engineer sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Kinilala ang suspek na si Felipe Naparot, 27, ng #114 Ara­neta Avenue, Brgy. Tatalon sa lungsod. Siya ay nadakip matapos na tirahin ang Toyota Innova model 2007 (ZHY-313) ng biktimang si Roderick Mar­quez, 34, ng Quezon City.

Sa ulat ng pulisya, si Na­pa­rot ay pinaniniwalaang kabi­lang sa mga unang grupo na nadakip ng awtoridad noong isang linggo na nambiktima sa Fortuner ng aktor na si Piolo Pascual.

Nangyari ang pagdakip kay Naparot nang pasukin nito ang garahe ng biktima at baklasin ang pares ng side mirror ng sasakyan nito, bago tuluyang tumakas.

Lingid sa kaalaman ng sus­pek ay nakita ito ng testigong si Runar Francisco at agad na ipinagbigay alam sa pulisya ng Station 7 na agad namang rumes­ponde at nasakote ito.

Nakapiit ngayon ang suspek sa himpilang ng pulisya habang inihahanda ang kaso ­laban dito. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

BAKLAS

BRGY

FELIPE NAPAROT

PIOLO PASCUAL

QUEZON CITY

RICKY TULIPAT

RODERICK MAR

RUNAR FRANCISCO

SHY

TOYOTA INNOVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with