^

Metro

Utak sa Pasig shabu tiangge hahatulan ngayon

-

MANILA, Philippines - Hahatulan na ngayong araw na ito sa Pasig City Re­gional Trial Court ang itinutu­rong utak at may-ari ng kon­tro­bersyal na shabu tiangge sa Pasig City na sinalakay ng pu­lisya noong taong 2006.

Nakatakdang ibaba nga­yon ang hatol ni RTC Branch 154 Judge Abraham Borreta laban kay Amin Imam Bora­tong sa kasong paglabag sa Compre­hensive Dangerous Drugs Act of 2002. Kasabay nito, sinabi ni Eastern Police District Direc­tor Lino Calingasan na mag­papa­kalat sila ng “uniformed at non-uniformed police” sa loob at labas ng Pasig RTC compound upang matiyak ang seguridad ng lugar. Base sa security arrange­ments, ang mga tauhan ng Na­tional Bu­reau of Investi­gation ang magbibigay ng seguri­dad kay Boratong sa pagpasok nito sa korte hang­gang sa basa­han na ito ng hatol sa sala ni Bo­retta sa ikaapat na palapag.

Ang mga tauhan naman ng PNP-Anti-Illegal Drugs Spe­­cial Ope­rations Task Force (AID-SOTF) naman ang magba­ban­tay sa ikalimang palapag ng gu­sali ng korte habang ang mga ta­uhan ng EPD ang magba­ban­tay sa una hanggang ikatlong pa­lapag ng gusali. 

Sa oras naman na maha­tulan ng “guilty” si Boratong, ang mga tauhan ng Southern Police District ang mag-eescort kay Bo­­ra­tong patungo sa Na­tional Bi­libid Prisons sa Muntinlupa City.

Bukod sa seguridad sa korte, ipinag-utos na rin ni Cali­ngasan katuwang ang NCRPO-Re­gional Mobile Group ang pag­pa­pataas ng police visibility, pagta­tatag ng checkpoints, pagpapa­lakas ng intelligence gathering at pagbabantay sa mga maha­halagang pampub­liko at priba­dong instalasyon. (Danilo Garcia)

AMIN IMAM BORA

BORATONG

DANILO GARCIA

DRUGS ACT

DRUGS SPE

EASTERN POLICE DISTRICT DIREC

JUDGE ABRAHAM BORRETA

LINO CALINGASAN

MOBILE GROUP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with