Pink fences ng MMDA inararo ng Ambassador ng Venezuela
MANILA, Philippines – Nawasak ang mga ba kod o pink fences at bakal na poste na inilagay ng MMDA sa isang bus stop sa Magallanes Interchange nang suyurin ng isang humaharurot na kotseng minamaneho ng isang ambassador kahapon ng madaling-araw sa Makati City.
Bahagyang nasugatan si Republic of Venezuela Ambassador Manuel Perez Iturbe, dahil sa bilis ng takbo nang minamaneho nitong BMW na ma’y diplomat plate number DC-1000.
Nabatid na tumaob at nabasag ang mga salamin ng sasakyan nang salpukin ang mga bakod at bakal na posteng pinaglalagyan ng anunsiyo ng MMDA sa mismong bus stop sa EDSA Magallanes na sakop ng Brgy. San Lorenzo sa naturang lungsod.
Sa inisyal na ulat, nabatid na binabaybay ni Iturbe ang kahabaan ng EDSA patungong Magallanes mula Ayala dakong alas-12:45 ng madaling- araw, nang bigla umanong gitgitin ng isa pang kotse kaya’t napakabig ito sa gawing kanan hanggang suyurin ang poste at pink fences sa bus stop. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending