MANILA, Philippines - Hinikayat ni Marikina Mayor Marides C. Fernando ang mga newsboy at vendors sa lunsod na huwag tangkilikin at gawing pagkakakitaan ang mga malalaswang diyaryo o magazine.
Sa sulat na ipinalabas ni Fernando sa Newsboys and Vendors of Cainta, Marikina, Antipolo Association, binalaan niya ang mga miyembro nito na aarestuhin ng pulisya ang sinumang mahuhuling nagbebenta ng mga malalaswang diyaryo tulad ng Sagad, Bomba, Hataw at Tiktik.
Ikinatuwiran ng Alkalde na maghahatid lang ng panganib sa mga kabataan ang mga nasabing babasahin dahil namumulat ng maaga sa kalaswaan ang mga ito.
Ang nasabing kampanya ay sinuportahan naman ng mga kompanya ng pahayagan tulad ng Pilipino Star Ngayon Inc. kung saan layon nito na maghatid ng disente at makabuluhang babasahin sa masang Pilipino.