Iiwanan ng ka-live-in: Kelot nagbigti

MANILA, Philippines - Isang 20-anyos na lalaki na si Arnel Arceo ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbigti sa kanyang sarili sa loob ng kanyang bahay sa Tenorio, San Andres Bukid, Manila dahil sa takdang paghi­hiwalay nila ng live-in partner niyang si Naza­rene Vergara, 24.

Lawit na ang dila, nakabitin sa kisame at wala nang buhay si Arceo nang magisnan siya ni Vergara sa kanilang kuwarto kahapon ng umaga.

Nabatid na limang buwan nang nagsasama sina Arceo at Vergara at madalas magtalo dahil sa napi­pintong pangingibang-bansa ng huli. (Ludy Bermudo)

Show comments