Iiwanan ng ka-live-in: Kelot nagbigti
MANILA, Philippines - Isang 20-anyos na lalaki na si Arnel Arceo ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbigti sa kanyang sarili sa loob ng kanyang bahay sa Tenorio, San Andres Bukid, Manila dahil sa takdang paghihiwalay nila ng live-in partner niyang si Nazarene Vergara, 24.
Lawit na ang dila, nakabitin sa kisame at wala nang buhay si Arceo nang magisnan siya ni Vergara sa kanilang kuwarto kahapon ng umaga.
Nabatid na limang buwan nang nagsasama sina Arceo at Vergara at madalas magtalo dahil sa napipintong pangingibang-bansa ng huli. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending