^

Metro

Maton at tambay binigyan ng trabaho

-

MANILA, Philippines - Maraming mga maton o siga at tambay sa Tondo, Manila ang nabigyan ng trabaho sa ilalim ng proyektong Tondomium ng Metro Manila Development Authority.

Sinabi ni MMDA Ge­neral Manager Robert Nacianceno sa isang pa­hayag na nahimok nila ang karamihan sa mga dating hoodlum ng Tondo na ibaling sa ma­ganda at maayos na ki­nabukasan ang kani­lang buhay sa pama­ma­gitan ng pagta­tra­baho sa kanilang ahen­siya.

Sinabi ni Nacian­ceno na bukod, sa mag­kakaroon na ng regular na sahod ang mga da­ting hoodlum at tambay sa lansangan, hindi na rin sila kinakailangan pang lumayo sa kani­lang lugar dahil sa mis­mong malapit na lugar na tinitirhan nila sila magtatrabaho bilang mason, tubero, karpin­tero at iba pang uri kung saan sila bihasa.

“Ito ang tinatawag na character change, sa halip na tumambay-tam­bay lang sila, mangi­kil at manakot sa mga tahimik na mamama­yan, ngayon ay may tiyak na silang pagkaka­kitaan at tiyak na magi­ging daan tungo sa ka­ni­lang pagbabago sa ka­nilang katauhan,” dugtong pa ni Nacian­ceno. (Lordeth Bonilla)

LANG

LORDETH BONILLA

MANAGER ROBERT NACIANCENO

MARAMING

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NACIAN

SHY

SINABI

TONDOMIUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with