MANILA, Philippines - Isang dalaga ang namatay habang pito pa ang sugatan matapos na sumalpok ang sinasakyan nilang pampasaherong jeepney sa isang poste sa Quezon City kahapon ng umaga.
Nakilala ang nasawi na si Anieta Salvador ng Malipada St., Maligaya Park Subd., Novaliches, Quezon City na binawian ng buhay habang ginagamot sa East Avenue Medical Center.
Dinala rin sa naturang ospital ang mga nasugatang pasahero.
Binabagtas ng jeepney na may rutang Panay-Fairview ang Bristol St. sa Barangay Greater Lagro sa naturang lunsod nang sumulpot ang isang kotse na ikinawalan naman ng kontrol ng una hanggang sumalpok ito sa poste. (Ricky Tulipat)