MANILA, Philippines - Isang yaya ang umano’y ginahasa ng kanyang amo sa Valenzuela City kamakalawa.
Arestado ang suspek na si Bryan Ganaba, 21, ng Doña Elena St., Brgy. Punturin ng lungsod na ito.
Sa pahayag ng biktimang si Jane, 16, alas-2:30 ng hapon, katabi niya sa kama ang apat na buwan anak ng suspek nang pumasok ang huli sa kuwarto.
Agad umanong naghubad ang among lalaki at saka ikinandado ang pinto ng kuwarto bago siya tinabihan at sinumulang hipuan.
Nang pumalag ang biktima ay naglabas ng patalim ang suspect at binantaang papatayin kaya wala nang nagawa pa ang una.
Nang matapos ay saka lamang nakalabas ng kuwarto ang biktima at nagsumbong sa kaibigan na naging dahilan upang samahan sa presinto si Jane at ipaaresto si Ganaba. (Lordeth Bonilla)