2 binatilyo niratrat, kritikal

MANILA, Philippines - Dalawang kabataang lalaki kabilang ang isang estudyante ang malub­hang nasugatan matapos na pagbabarilin ng apat na kalalakihan na hinihi­nalang kalaban nilang grupo ka­hapon ng mada­ling-araw sa Makati City.

Kapwa ginagamot sa Ospital ng Makati ang mga biktimang sina Bobby Quilang, 18, at Joefel Na­moca, 16, high school stu­dent sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa kani-kanilang katawan.

Hinahanting naman ng pulisya ang mga suspek na ang isa ay nakilala lamang sa alyas Mata at ang tatlong hindi pa naki­kilalang mga kasamahan nito.

Ayon sa imbestigas­yon, naganap ang insi­dente dakong ala-1:30 ng ma­daling-araw sa kaha­baan ng Maya St., Brgy. Rizal, Makati City. Habang sakay ang mga biktima ng isang tri­cycle, biglang hinarang ang mga ito ng mga sus­pek at walang sabi-sabing pinag­ba­baril.

Nang makita ng mga suspek na duguan ang mga biktima, mabilis na nagsitakas ang mga ito habang isinugod naman sa nabanggit na pagamutan ang mga biktima ng mga taong naroroon.

Posibleng kalabang grupo ng mga biktima ang mga suspek na ru­mes­bak sa mga ito. (Lor­deth Bonilla)

Show comments