^

Metro

Call center agent, dedo sa hit-and-run

-

MANILA, Philippines - Patay ang isang call center agent matapos itong ma­hagip ng isang ru­maragasang sasakyan kahapon ng madaling-araw sa Las Piñas City.

Binawian ng buhay ha­bang nilalapatan ng lunas sa Las Piñas Medical Center ang biktimang si Anna Luz S. Plameno, 39, ng TRM Avenue, B.F. Homes, Brgy. Almanza I ng nabanggit na siyudad.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insi­dente dakong alas-12:45 kahapon ng mada­ling-araw sa kahabaan ng Alabang-Zapote Road, Brgy. Al­manza I ng na­bang­git na siyudad.

Ayon sa pahayag ni Engr. Ferdinand Otadoy, ng Manuella 4, Las Piñas City na habang tumatawid ang biktima sa nabanggit na lugar, kung saan galing ito sa kanyang trabaho bilang call center agent ay nahagip ito ng isang sa­sakyan na hindi nakuha ang plaka.

Matapos tumalsik ang biktima, nabatid na tu­mama ito sa wind shield ng silver Toyota Corolla (TRG-390) ni Otadoy. Dahilan upang bumaba ng kan­yang kotse si Otadoy at nakita niyang duguan ang babae, kung kaya’t dali-dali niyang isinugod ang bik­tima sa pagamutan ngunit hindi na rin naisalba ang buhay nito.

Ayon sa pulisya, po­sibleng biktima ng hit and run ang biktimang si Pla­meno habang pinauwi naman si Otadoy, dahil naniniwala silang hindi ito ang respon­sable sa pag­ka­kaaksidente sa biktima.

Sa ngayon ay patuloy na nagsasagawa ng fol­low-up ang pulisya hing­ gil sa insidente. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALABANG-ZAPOTE ROAD

ALMANZA I

ANNA LUZ S

AYON

BRGY

FERDINAND OTADOY

LAS PI

LORDETH BONILLA

OTADOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with