Barangay tanod itinumba

MANILA, Philippines - Isang barangay tanod ang nasawi matapos pagbabarilin ng kanyang ipinakulong sa Caloocan City kamakalawa.

Binawian ng buhay ha­bang ginagamot sa Pagamu­tan Lungsod ng Malabon sanhi ng apat na tama ng bala ng baril sa katawan si Antonio Barquin, 53, ng Salaysalay St. ng lunsod na ito.

Tinutugis pa ng pulisya ha­bang isinusulat ito ang sus­pek na si Reggie de Guzman, nasa hustong gulang at ka­lugar ng biktima.

Naglalakad ang biktima sa isang covered court sa ka­ha­baan ng Sabalo St. ng lung­sod na ito nang sumulpot ang suspek at pinagbabaril ang una. Matapos ang insi­dente ay tumakas ang suspek ha­bang dinala naman ang bik­tima sa nabanggit na pagamutan.

Nabatid na naipakulong ng biktima ang suspek dahil sa ka­lokohan nito at nang maka­laya ay inabangan si Barquin at pinagbabaril. (Lordeth Bonilla)

Show comments