^

Metro

Driver namatay sa sariling patalim

-

MANILA, Philippines - Sariling patalim ang tuma­pos sa buhay ng isang taxi driver makaraang maagaw at itarak ito sa kanya ng kanyang kainuman na kapwa driver rin na una nitong tinangkang saksakin kahapon ng umaga sa Marikina City.

Nakilala ang nasawi na si Jun Virtucio, 50-anyos, ng Friendly Village, Concepcion Uno sa naturang lunsod.

Nakaratay naman sa Amang Rodriguez Medical Center ang suspek dahil sa tinamong saksak rin sa ka­tawan na nakilalang si Emmanuel Reyes, naninira­han sa Doña Petra ng natu­rang lugar.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10 ng umaga nang ma­ganap ang krimen sa kantina na katabi ng terminal ng JTI taxi na kapwa pinapasukan ng biktima at ng suspek. Nabatid na maaga pa lamang nang mag-inuman ang mga taxi driver nang matapos ang ka­nilang oras ng pasada at nang malasing ay nag-umpisa nang magtalo ang dalawa.

Unang itinulak ng suspek ang biktima na agad na nag­bunot ng patalim at dalawang beses na inundayan ng sak­sak sa dibdib si Reyes. Kahit na duguan, nagawa pa ring maagaw ni Reyes ang patalim na ipinansaksak sa kanya habang nagtatakbo palayo si Virtucio.

Nagawa namang maabu­tan ng suspek si Virtucio na sunud-sunod na tinarakan ng patalim ni Reyes hanggang sa malagutan ito ng hininga. (Danilo Garcia)

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

CONCEPCION UNO

DANILO GARCIA

EMMANUEL REYES

FRIENDLY VILLAGE

JUN VIRTUCIO

MARIKINA CITY

REYES

SHY

VIRTUCIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with