^

Metro

Manila cop lasog sa ten wheeler truck

-

MANILA, Philippines – Patay sa ‘hit and run’ ang isang kagawad ng Manila Police District -Traffic Enforcement Unit (MPD-TEU) nang mahagip ng isang ten wheeler truck ang mina­maneho nitong motorsiklo, kaha­pon ng umaga, sa Ermita, Maynila.

Dead-on-arrival sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktimang si SPO2 Ferdie Ale­jan­drino, ng Lico st., cor., Cavite St., Sta. Cruz Maynila.

Sa ulat ni  Sr. Insp. Roberto Carlos Baldivas, hepe ng MPD-TEU, basag ang bungo ng kaniyang tauhan bunga ng pagkasagasa ng ten-wheeler truck (XBS-232)  na minama­neho ng suspek na si Emma­nuel David, 44, ng Brgy. Paltik Dinggalan Aurora.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Demetrio Bunguin, naganap ang insidente dakong alas-11:00 ng umaga sa San Mar­celino St., cor. U.N Ave., Ermita Maynila.

Sakay umano ng motorsiklo (DN-3881) ang biktima matapos manggaling sa MPD-TEU patungo sanang National Capital Region Office (NCRPO) sa Bicutan upang dumalo sa hearing­ nang mahagip ng ten wheeler truck.

Sinabi ng saksing si Joselito Atienza, taxi driver, nakita niya na matapos mahagip ng truck ay tumilapon mula sa minama­nehong motor ang biktima. Sa halip na hintuan ng suspek ay tuloy-tuloy lamang sa pagpa­patakbo.

Dahil sa pagmamagan­dang-loob ng driver na si Atienza, nasundan niya hang­gang sa ipaharang ang truck sa bahagi ng Osmeña Highway at inaresto naman ang suspect ni Traffic Enforcer Ehrwin Ferrer.

Patuloy na itinatanggi ng suspek na nasagasaan niya ang pulis dahil wala umano siyang narandaman.

“Wala po talaga akong nasagasaan at hindi ko siya nakita” pahayag ng suspek. (Ludy Bermudo)


CAVITE ST.

CRUZ MAYNILA

DEMETRIO BUNGUIN

ERMITA MAYNILA

FERDIE ALE

JOSELITO ATIENZA

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT

N AVE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with