^

Metro

Riders magpo-protesta vs NoEl

-

MANILA, Philippines – Nagbanta kahapon ang grupo ng Motorcycle Philippine Federation (MPF) na ihaharang nila sa iba’t ibang lansangan ng Kalakhang Maynila ang humigit-kumulang sa 30,000 motorsiklo bilang protesta kapag ipinursige umano ng pamahalaan ang “No Election” (NoEl).

Nabatid na ang ban­tang isasagawang kilos-protesta sa kalsada ng na­turang grupo ay kaug­nay sa posible umanong pag­susulong ng “No Election” scenario sa darating na 2010 election

Ayon kay Jojo Me­dina, presidente ng MPF, ang biglaang pagbawi ng Total Information Management Corp. (TIM) sa kanilang partisipasyon sa poll automation sa 2010 ay isang senyales na hindi matutu­loy ang napipin­ tong hala­lan sa bansa.

Bagama’t panguna­hing layunin ng grupo ang pag­susulong ng safety measures sa mga guma­gamit ng motor­siklo, hini­kayat ni Medina ang buong motorcycle community na magpa-rehistro at makiisa sa darating na halalan.

Giit pa ni Medina na may kabuuang 486,000 sa buong bansa ang naka-rehistrong miyem­bro ng kanilang samahan na labis na tumututol para sa “term extension” ng mga opisyal ng ating pamaha­laan. (Rose Tamayo-Tesoro)


AYON

BAGAMA

GIIT

JOJO ME

KALAKHANG MAYNILA

MOTORCYCLE PHILIPPINE FEDERATION

NO ELECTION

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

TOTAL INFORMATION MANAGEMENT CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with