MANILA, Philippines – Lilimitahan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang armed escorts sa mga opisyal ng gobyerno at pribadong indibiduwal.
Sa direktiba ni DILG Secretary Ronaldo Puno kay Philippine National Police chief, Director General Jesus Verzosa, bibigyan lamang ng police escort ang isang opisyal ng gobyerno o pribadong indibiduwal kapag nagpakita ng katunayan na may banta ang kanyang buhay.
Binawalan na din niya anya ang pagtatalaga ng mga pulis mula sa PNP’s Special Action Force bilang security escorts dahil ito ay trabaho ng Police Security and Protection Office.
Kasama sa maaapektuhan ng kautusang ito , ayon kay Puno ay ang mga local chief executives na may mahigit sa dalawang pulis na naka- assigned dito.
Ang mga opisyal ng gobyerno o electoral candidates na nais ma-exempted dito ay kailangang kumuha ng approval mula sa Commission on Elections (Comelec). (Angie dela Cruz)