^

Metro

2 suicide

-

MANILA, Philippines – Dalawang magkasunod na insidente ng pagpapatiwakal sa pamamagitan ng pagbibigti ang naitala ng pulisya sa magka­hiwalay na lugar, kamakalawa ng gabi saka kahapon ng umaga sa Makati at Pasay City.

Unang nadiskubre ng kan­yang kapatid na babae ang na­ka­biting bangkay ng bikti­mang si Rafael Soledad sa loob ng ka­nilang tirahan sa #3986 Gen. Malvar St., Brgy Bangkal, Ma­kati dakong alas-7:45 ng gabi.

Base sa pahayag ni Ma­rissa Soledad, kapatid ng bik­tima, huli niyang nakitang buhay si Rafael dakong alas-5 ng hapon na balisa at may pagka­ka­taon na tulala habang nasa harapan ng kanilang bahay.

Nabatid na dati ng nahu­maling sa illegal na droga ang biktima at noon lamang Enero 15 ng taong kasalukuyan luma­bas ito sa isang drug rehabili­tation center matapos ang da­lawang buwang gamutan. Ka­ya’t hinala ng mga ka­anak ng biktima na maaaring hindi na nakayanan ng biktima ang ga­nitong buhay kaya na­gawa nitong kitlin ang kanyang buhay.

Samantala, dakong alas-8:30 naman ng umaga kahapon nang matuklasan sa production room ng Visprint Company sa   Alcaver St., Pasay City ang ma­tigas ng bangkay ng machine operator na si Harvin dela Cruz, 22, na nakabitin, gamit ang isang plastic straw na pinulupot sa kanyang leeg.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya, nakuha sa loob ng locker ng biktima ang isang suicide note na may katagang “Pa­alam” na nakasulat sa kapira­song papel.

Bukod dito, kama­kalawa ng umaga ay unang nakatanggap ng text message ang nanay ng biktima na si Eluminada dela Cruz, 46, ng San Isidro, Tarlac City na nag­sasabing “Nay paalam po at humihingi ako ng tawad” hang­gang sa kabahan na ang ma­tanda sa mensaheng natang­gap nito sa kanyang anak.

Ayon kay ginang Dela Cruz, tinawagan pa nito sa cellphone ang kanyang anak subalit hindi na ito sumasagot hanggang sa napilitan na siyang lumuwas sa Maynila at puntahan ang kan­yang anak. Gayunman, hindi na ito inabutang buhay ng ginang. (Rose Tamayo-Tesoro)


vuukle comment

ALCAVER ST.

BRGY BANGKAL

CRUZ

DELA CRUZ

MALVAR ST.

PASAY CITY

RAFAEL SOLEDAD

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with