39-anyos todas sa bayaw

MANILA, Philippines – Patay ang isang 39-anyos na lalaki makaraang barilin ng sumpak ng kanyang bayaw na nagalit dahil sa ginaga­wang pana­nakit ng una sa isang pas­lit, kamakalawa ng hapon sa Pasig City.

Idineklarang dead-upon- arrival sa Amang Rodriguez Medical Center ang biktimang nakilalang si Jaime Flores Jr., ng M. de Leon St., Santolan, Pasig. Nabatid na halos ma­wakwak ang kaliwang bahagi ng dibdib nito dahil sa tama ng sumpak.

Agad namang naaresto ng mga awtoridad ang suspek na si Manuel Pache, 43, driver, at nakatira rin sa iisang bahay kas­ama ang biktima.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:30 ng hapon nang ma­ganap ang krimen sa loob ng kanilang bahay.

Nabatid unang sinita ng sus­pek ang bayaw nito na naka­inom umano ng alak sa gina­wang pananakit sa 9-anyos na pa­mangking lalaki.

Nagresulta ito sa pagtatalo ng magbayaw hanggang sa magkahamunan ng away. Dito na naglabas ng sumpak ang sus­pek at agad na binaril ang biktima nang malapitan sa ka­tawan sanhi ng agad nitong ka­matayan. Tinangka pang tuma­kas ng suspek makaraan ang pa­ma­maril ngunit agad rin na­mang itong nasakote ng mga tanod ng barangay at tauhan ng Police Community Precinct (PCP) sa naturang lugar.

Bagama’t nagsi­sisi, naha­harap ngayon ang sus­pek sa kasong homicide sa Pasig pro­secutor’s office. (Danilo Garcia)


Show comments