^

Metro

Anti-drug sa Taguig giit palakasin

-

MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon si Konsehal Arvin Ian Alit ng pangalawang distrito ng bayan ng Taguig sa lokal na pamahalaan na pala­kasin ang Taguig Anti-Drug Abuse Council (TADAC) na pinamumunuan nina Mayor Freddie Tinga at Vice Mayor George Elias. 

Ang panawagan ay ginawa ni Alit makaraang ideklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang Taguig City ay itinuturing “drug hot spot” sa Metro Manila.

Ayon kay Alit, kama­kailan lang ay nadakip ang isang Joel Tinga na nagbe­benta ng P100,000 halaga ng shabu sa isang drug buy-bust operation na isinagawa ng PDEA.  

Sinabi ni Alit, si Joel ay pang-anim sa tinaguriang “Tinga Drug Syndicate” na nadakip ng PDEA at PNP sa ibat-ibang drug buy-bust operation na kung saan ang limang una ng nadakip ay sina Fernando, Allan Carlos, Alberto, Ber­nardo at Hector na pawang may apelyidong Tinga.

Inihayag pa ni Alit, da­pat din paigtingin ang ko­ordinasyon sa mga karatig bayan na mayroon din anti-drug abuse council tulad ng Pateros, Muntinlupa, Makati, at Pasig.

Anang Konsehal, kung natuklasan ng PDEA ang “Shabu Tinagge” sa Pasig, ay mayroon naman uma­nong “Shabu Sari Sari Store” sa Taguig.

Sinabi pa ni Konsehal Alit, napapanahon na para palakasin ang kampanya ng Taguig Anti-Drug Council dahil sa ngayon aniya ay pang-lima na ang Pilipinas sa buong mundo na tala­mak ang bentahan ng ipi­nag­babawal na gamot base na rin sa ulat ng United Nations 2009 World Drug Report. (Butch Quejada)

ALLAN CARLOS

ANANG KONSEHAL

BUTCH QUEJADA

DRUG

DRUG ABUSE COUNCIL

DRUG COUNCIL

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUG REPORT

DRUG SYNDICATE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with