Driver inambus

MANILA, Philippines - Isang 40 anyos na tricycle driver na si Elmer Constantino ang tinambangan, pinagbabaril at napatay ng dalawang naka- motorsiklo habang lulan siya ng kanyang sasakyan sa kanto ng Visayas Avenue at Central Avenue, Barangay Basra, Quezon City kahapon ng tanghali.

Hindi pa mabatid ang motibo ng pamamaslang pero patuloy ang imbestigasyon ng pulisya. (Ricky Tulipat)

Show comments