Agawan sa customer nauwi sa tutukan ng baril

MANILA, Philippines - Takdang magharap nga­yon sa tanggapan ng Manila Police District ang dalawang negos­ yante na nagkainggitan sa kus­tomer at nauwi sa panu­nutok ng baril ng isa sa mga ito.

Naunang inireklamo ng 32 anyos na si Shirley Catindoy na tinutukan siya ng baril ng suspek na si Arnaldo Albay makaraang maglagay siya ng mesa sa pagitan ng kanilang mga tindahan ng tapsilogan sa Intramuros, Manila kaha­pon ng madaling-araw.

Nabatid na si Albay ay kagawad sa Barangay 658 Zone 20 District 5 sa naturang lungsod. Sinabi ni PO2 Re­ginald Delos Reyes ng MPD na nagkakainitan ang dalawa dahil sa kanilang magkatulad na negosyo.

Ayon umano kay Catindoy, bukod sa pagsita sa kaniya nang lagyan ng mesa ang pagitan ng kanilang mga tin­ dahan, madalas umanong ma­galit at magwala ang nasabing kagawad lalo na kung marami ang kumakain sa tindahan niya (Catindoy) habang sa tapsilo­gan ng suspek ay wala. (Ludy Bermudo)

Show comments