Pedicab driver todas sa resbak na saksak

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang 40-anyos na pedicab driver ma­tapos itong resbakan ng sak­sak  ng kanyang sinaksak kamakalawa ng gabi sa Quiapo, Maynila.

Hindi na umabot ng buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan ang bikti­mang si Ruben Suela, ng Blk 48 Lot 2 Zone 7 Bautista, Das­mariñas, Cavite samanta­lang ginagamot din sa na­sabing ospital ang suspek na si Antonio Salas, 26, ng #119 Pedrocos St. Quiapo bunsod ng isang saksak sa kanyang likuran.

Lumalabas sa imbestigas­yon ni Det. Virgilio Martinez ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, dakong alas-8 ng gabi nang maganap ang insidente sa panulukan ng Carlos Palanca at Gomez Sts., Quiapo, Maynila.

Bago maganap ang in­sidente magkasamang umi­inom umano ng kape si Salas at kaibigan nitong si Danilo Boo nang bigla umanong dumating si Suela at walang sabi sabing sinaksak sa likod ang una.

Bagama’t sugatan si Salas ay kumuha ito ng patalim at hinabol si Suela na tumatakbo papatakas at nang maabutan ng una ang huli ay nauwi ito sa dwelo hanggang sa hu­mandusay na duguan ang biktima.

Mabilis na isinugod ang dalawa sa nabatid na paga­mutan subalit hindi na umabot ng buhay si Suela. (Gemma Amargo-Garcia)


Show comments