^

Metro

Lolo natusta sa Quezon City fire

-

MANILA, Philippines – Isang 68-anyos na lolo ang iniulat na nasawi nang masunog ang may 200 ka­bahayan sa isang squatters’ area sa Quezon City kahapon ng madaling- araw.

Ang biktima na halos hindi na makilala dahil sa matinding pagkasunog ay si Cezar Arabella, nakatira sa Rose St., San Roque II, Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City.

Napag-alaman sa arson­ probers, dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang unang sumiklab ang sunog sa bahay ni Ara­bella.

Lumitaw sa pagsisiya­sat ng BFP, bago nagka­sunog isang kaanak ng biktima na nakilalang “Fidel” ang umalis sa bahay at naiwan ang kandilang na­kasindi malapit sa hi­gaan ni Arabella na may sakit. 

Natumba umano ang na­iwang kandila at agad na kumalat ang apoy sa buong bahay. Dahil sa mahina ang katawan ay hindi na nagawa pa ni lolo Cesar na makalabas ng bahay kaya tuluyan itong nalitson.

Dahil sa gawa sa light materials ang mga kaba­hayan sa lugar ay mabilis na kumalat ang apoy.

Tinatayang aabot sa 200 bahay ang natupok.

Umabot sa task force echo ang alarma ng sunog na naapula ganap na alas-6 ng umaga. (Angie dela Cruz)

ANGIE

ARABELLA

BAGONG PAG

BRGY

CEZAR ARABELLA

DAHIL

QUEZON CITY

SAN ROQUE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with