DJ na 'tulak' ng Ecstasy sa showbiz, timbog ng PDEA

MANILA, Philippines - Isang disk jockey na pinaniniwalaang responsable sa pagsusuplay ng drogang ecstasy sa entertainment industry ang naaresto ng mga operatiba ng Drug En­force­ment Agency (PDEA) kahapon ng madaling- araw.

Magkagayunman, pansamantalang hindi muna pina­ngalanan ng pamunuan ang nasabing suspek dahil sa nangako umano itong magbibigay ng impormasyon na siyang makapagtuturo sa iba pang mga suspek na nagbebenta nito.

Ayon kay Major Ferdinand Marcelino, hepe ng Special Enforcement Services ng PDEA, nadakip ang naturang jockey ganap na alas-3 ng madaling-araw sa may isang bar sa Malate Manila kung saan narekober mula dito ang ilang halaga ng nasabing ecstasy.

Sinabi naman ni PDEA director General/Senior under­secretary Dionisio R. Santiago, may mga listahan na sila ng mga celebrities na hinihinala nilang gumagamit ng droga, ngunit idiniin nito na ang kanilang puntirya ay mga pushers lamang. (Ricky Tulipat)

Show comments