^

Metro

Arabo natagpuang patay sa hotel

-

MANILA, Philippines - Isang 87-anyos na Arabian national ang na­tag­pu­ang walang buhay sa loob ng kanyang inokupa­hang unit sa isang hotel, kamakalawa ng gabi, sa Malate, Maynila.

Ang biktima ay kinila­lang si  Nasser Alreshoud, ng Damman, Saudi Arabia at pansamantalang nanu­nulu­yan sa Room 301 Or­chid Garden Suites, Pablo Ocampo St., Malate.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-11:25 ng gabi nang matuklasan ang bangkay ng dayuhan sa loob ng kanyang kuwarto.

Sinabi ng isang Pablo Torio, night duty manager ng Orchid Garden Suites na wala pang isang oras ay nagsabi sa kanya ang Arabo na naninikip ang dib­dib at nahihirapang hu­minga kaya hinimok niya na magpa-check-up muna subalit tumanggi umano ito at nagpahinga na lamang. Bukod pa rito, hiniling din umano ni Torio sa biktima na huwag na lamang i-lock ang pintuan upang mabi­sita siya ng tatawaging doktor sa kan­yang paki­ramdam.

Nang silipin ni Torio ang biktima ay nakita niyang naka­lugmok ito sa kama at nadiskubreng patay na.

Ipinarating na rin ng pulis­ya sa kanilang em­bahada ang kaso kaya nasa kos­­tudya na ng Saudi Arabian Embassy ang mga labi nito nang kunin ni Mo­ hammad Alih Abo­sharha, third secretary ng emba­hada. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ALIH ABO

GARDEN SUITES

LUDY BERMUDO

NASSER ALRESHOUD

ORCHID GARDEN SUITES

PABLO OCAMPO ST.

PABLO TORIO

SAUDI ARABIA

SAUDI ARABIAN EMBASSY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with