^

Metro

3 miyembro ng 'Estribo gang' timbog

-

MANILA, Philippines – Tatlong miyembro ng Estribo Gang ang naaresto ng pulisya habang nakatakas ang lider ng mga ito    makaraang biktimahin ang dalawang babae sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga nadakip na sina Michael Simbulan, 36; Pedro Ramos, 27 at Jayson Bernabe, 20, pawang residente ng Phase 4, Bagong Silang ng lungsod na ito at nakatakas naman ang kanilang lider na si Alex San Andres.

Sa ulat ng pulisya, alas-10 ng gabi, sakay ng isang pam­pasaherong jeep ang mga biktimang sina Racquel Reoganis, 26 at Gloria Diva, 35, gayundin ang mga suspek, pagsapit sa Phase 1, Main Road, ay nagdeklara ng holdap ang mga ito.

Kinuha ng mga suspek ang mga cellphone, pera at gamit ng mga biktima bago tumakas habang nakahingi naman ng tulong sa mga pulis ang dalawang babae.

Agad na rumes­ponde ang mga pulis at naabutan ang tatlo at nabawi ang mga nakulimbat habang nakatakas ang lider ng mga ito. (Lordeth Bonilla)


ALEX SAN ANDRES

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

ESTRIBO GANG

GLORIA DIVA

JAYSON BERNABE

LORDETH BONILLA

MAIN ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with