^

Metro

Pulis na nakapatay, sumuko

-

MANILA, Philippines - Matapos ang ilang araw na pagtatago, sumuko na sa kan­yang mga kabaro ang isang ka­gawad ng Quezon City Police District (QCPD) na itinurong na­kapatay sa isang lalaki at naka­sugat sa isa pa noong linggo ng gabi sa Barangay Kamuning dito.

Si PO2 Edgar Gabanan, 38, ay sumuko kay Chief Insp. Dorothy Du, hepe ng general inves­tigation ng Criminal Inves­tigation and Detective Unit ng Quezon City Police upang lina­win ang pamamaril sa biktimang si Michael Fresno, 32, ng Drasma St., North Fairview, sa lungsod.

Bukod kay Fresno, sugatan din ang isang Rodel de Pablo, 33, naninirahan sa   Makaba­yan St., Brgy. Obrero.

Ikinatwiran ni Gabanan, nakatalaga sa District Police Intelligence Unit (DPIU) na ang nangyari ay isa lamang self- defense o pagtatanggol sa sarili na kung hindi niya ginawa ay baka siya ang napahamak.

Base sa report, nangyari ang pamamaril noong linggo ng gabi sa loob ng Kamuning Market sa Shiangio St. , Brgy. Kamuning sa lungsod.

Kasalukuyang fiesta sa lugar nang makitang nagtatalo sina Fresno at isang sinasa­bing pulis hanggang sa mag­bunot ng huli ng baril at papu­tukan ang una na ikinasawi nito.

Ayon naman kay Gabanan na naka-off duty siya nang ma­ganap ang insidente at nag­tungo lamang sa lugar para dumalo sa fiesta at doon na­abutan na nakikipagtalo ang kanyang tiyuhin sa dalawang biktima na lango sa alak.

Diumano nang awatin ni Gabanan ang mga ito matapos magpakilalang pulis ay nagalit si Fresno at tinangka siyang sak­ sakin kayat napilitan na siyang paputukan ito. (Ricky Tulipat)

BARANGAY KAMUNING

BRGY

CHIEF INSP

CRIMINAL INVES

DETECTIVE UNIT

DISTRICT POLICE INTELLIGENCE UNIT

DOROTHY DU

DRASMA ST.

GABANAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with