^

Metro

Parañaque inulan ng yelo

-

MANILA, Philippines – Umulan ng yelo o tina­tawag na “frozen rain”, ka­hapon ng hapon sa Para­ñaque City.

Nabatid na dakong alas-3 ng hapon nang unang si­mulang ulanin ng maliliit na yelo na kasing laki ng mga butil ng mais ang Marcelo Village ng naturang lungsod kasabay ng malalakas na kulog at kidlat.

Ayon sa mga residente, tumagal pa umano ng halos tatlong minuto ang pag-ulan ng nasabing yelo.

Ilang minuto pa ay ang palibot naman ng Paraña­que City Hall at San Antonio Village ang inulan naman ng naturang yelo na tumagal ng halos anim na minuto.

Ayon naman sa ilang mga residente, ito ang unang pagkakataon na inulan ng snow ang kanilang lugar kung saan nag-mistu­lang wonderland umano ang kanilang palibot. (Rose Tamayo-Tesoro)


AYON

CITY HALL

ILANG

MARCELO VILLAGE

NABATID

ROSE TAMAYO-TESORO

SAN ANTONIO VILLAGE

SHY

UMULAN

YELO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with