^

Metro

6 buwan suspensyon sa QCPD cops sa Failon case

-

MANILA, Philippines - Tuluyan ng pinatawan kahapon ng National Police Commission (Napolcom) ng anim na buwan na suspensiyon si P/Supt. Franklin Moises Mabanag at lima pang opisyal ng Quezon City Police District makaraang mapatunayang nagka­sala ang mga ito ng grave misconduct kaugnay sa ginawang pagmaltrato sa pag-aresto sa mga kaanak ng namayapang asawa ng broadcaster na si Ted Failon.

Batay sa 22-pahinang desisyon ng Napolcom, bukod sa suspensiyon, sinibak na rin sa kan­yang pwesto bilang hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) si Mabanag at limang opisyal nito na sina P/Supt. Gerardo Ratuita, Chief Insp. Cherry Lou Donato, Chief Insp. Enrico Figue­roa, Senior Insp. Roberto Razon Sr., at Insp. Erlinda Garcia.

Samantala, ang tatlong pulis naman na sina Supt. Marcelino Pedroza, SPO2 Jerry Abada at PO2 Joycelyn Marcelo ay pinawalang-sala ng Napolcom.

Nabatid na ang naturang pagpapataw ng kapa­rusahan kay Mabanag at mga kasamahan nito ay batay sa lumabas na imbestigasyon ng Inspection, Monitoring and Investigation Services (IMIS) ng Napolcom dahil sa maling pag-aresto sa hipag at kasambahay ni Failon habang ang asawa ng huli ay nag-aagaw buhay sa New Era Medical Center sa Quezon City. (Rose Tamayo-Tesoro at Ricky Tulipat)

CHERRY LOU DONATO

CHIEF INSP

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

ENRICO FIGUE

ERLINDA GARCIA

FRANKLIN MOISES MABANAG

GERARDO RATUITA

JERRY ABADA

JOYCELYN MARCELO

MABANAG

NAPOLCOM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with