^

Metro

'Tulak' ng droga, itinumba

-

MANILA, Philippines - Patay ang isang pinanini­wa­la­ang “tulak” ng droga ma­tapos itong barilin ng dala­wang hindi pa nakikilalang suspek sa Caloocan City ka­hapon ng tanghali. Nasawi noon din ang bik­timang si Rodolfo dela Cruz, 43, residente ng Callejon St., Brgy. 150, Bagong Barrio.

Patuloy namang nagsasa­gawa ng masusing imbesti­gasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang pagkaka­kilanlan sa dalawang suspek na mabilis na nagsitakas matapos ang insidente.

Base sa nakalap na impor­masyon, naganap ang insi­dente dakong alas-11:30 ng tanghali sa kahabaan ng Pan­day Pira St., Brgy. 146, Ba­gong Barrio.

Ayon sa ulat ng pulisya, ka­sa­lukuyang naglalakad sa na­turang lugar ang biktima nang pagbabarilin ito ng da­lawang kalalakihan na sakay ng isang motorsiklo.

Nang masiguro ng mga suspek na patay na ang bik­tima ay mabilis na nagsitakas ang mga ito sa hindi natukoy na direksiyon gamit ang isang motorsiklo na hindi nakuha ang plate number.

Sa paunang pagsisiyasat ng mga awtoridad, lumalabas na ang biktima ay kilalang tulak ng droga sa kanilang lugar at hini­hinalang may kina­laman sa iligal nitong gawain ang motibo nang pagpatay dito. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BAGONG BARRIO

BRGY

CALLEJON ST.

CALOOCAN CITY

CRUZ

LORDETH BONILLA

NANG

PIRA ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with