^

Metro

LPG sumabog, 15 sugatan

-

MANILA, Philippines - Sugatan ang 15 katao ka­bilang ang dalawang bata ma­tapos sumingaw at sumabog ang dalawang tangke ng lique­fied petroleum gas (LPG) na gamit sa isang gotohan sa Ma­labon City kamakalawa ng gabi.

Sa nakalap na impormas­yon ang mga biktima ay isinu­god sa magkahiwalay na paga­mutan ay nagtamo ng 1st at 2nd degree burns sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa ulat ng mga arson investigator, naganap ang insi­dente dakong alas-10 ng gabi sa isang lugawan na pag-aari ni Melanie Arrolado na mata­tagpuan sa # 121 Javier St., Brgy. Santulan, Malabon City .

Base sa paunang pagsisiya­sat, kasalukuyang nagpi-prito ng tokwa   si Arrolado nang bigla na lamang sumingaw at suma­bog ang LPG na gamit nito sa pagluluto. Dahil sa lakas ng pag­sabog ay nadamay ang mga kumakain sa gotohan habang ang mga batang sina John Francis Anthony Calajati, 4; at Gale Adrian Ramos, 3, anak ng mga trabahador sa gotohan ay na­sabugan din dahil kasama ang mga ito ng ka­nilang mga magu­lang habang nagtatrabaho. (Lordeth Bonilla)

ARROLADO

AYON

GALE ADRIAN RAMOS

JAVIER ST.

JOHN FRANCIS ANTHONY CALAJATI

LORDETH BONILLA

MALABON CITY

MELANIE ARROLADO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with