MANILA, Philippines - Umaabot sa P1 milyong halaga ng ari-arian ang natupok sa higit dalawang oras na sunog sa basement ng gusali na inuupahan ng Philippine Stock Exchange sa Ortigas Center, Pasig City kahapon ng madaling araw.
Dakong ala-1:45 ng madaling araw nang madiskubre ang apoy sa basement ng Tektite Towers sa Ortigas Center.
Nabatid na nagmula ang apoy sa “electrical room” ng basement at mabilis na kumalat. (Danilo Garcia)