MANILA, Philippines - Inutos ni Manila Mayor Alfredo Lim ang inspeksiyon at evaluation sa lahat ng mga industriya sa lungsod upang matiyak na ang mga ito ay hindi lumalabag sa batas at regulasyon ng pamahalaang-lunsod hinggil sa pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran.
Inatasan niya si Secretary to the Mayor Atty. Rafaelito Garayblas na abisuhan ang lahat ng mga hepe ng departamento ng city government na maging mahigpit sa pagbibigay ng mga bagong permit sa mga bagong industriya at masiguro na kumpleto ang lahat ng mga dokumento at hindi lalabag sa Clean Air Act at Anti-Pollution Laws. (Doris Franche)